^

Probinsiya

Parak niratrat sa tapat ng bahay

Christina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Parak niratrat sa tapat ng bahay
Kinilala ang nasawing si P/SSgt. Roseman Batao, 36, may-asawa, nakatalaga sa Tiaong-PNP station, at residente ng Gumamela St., Blk. 39, Lot 3 ng nasabing lugar.
STAR/ File

DASMARIÑAS CITY, Cavite , Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang  pulis matapos na pagbabarilin ng apat ng lalaki habang nag-aayos ng kanyang sasakyan sa tapat ng kanyang bahay sa Brgy. Datu Esmael ng nasabing lungsod, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing si P/SSgt. Roseman Batao, 36, may-asawa, nakatalaga sa Tiaong-PNP station, at residente ng Gumamela St., Blk. 39, Lot 3 ng nasabing lugar.

Mabilis na tumakas ang apat na suspek sakay ng isang kulay gray Honda City na walang plaka.

Sa ulat, alas-2:20 ng hapon ay inaayos ng biktima ang kaniyang  Toyota Hi-ace van sa tapat ng kanyang bahay nang huminto sa tapat niya ang nasabing kotse at lumabas dito ang apat na suspek at  sunud sunod na pinagbabaril.

Nang masigurong patay na ang biktima ay humarurot patakas ang sasakyan ng mga suspek.

Nabatid na ang biktima ay dating nakatalaga sa intelligence division ng  Maragondon-PNP taong 2016-17.

vuukle comment

ESMAEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with