^

Probinsiya

Magsasaka pinatay ng kaanak sa lamayan

Raymond Catindig - Pilipino Star Ngayon

BALLESTEROS, Cagayan , Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 50-anyos na magsasaka matapos na siya ay saksakin ng kaanak na kainuman nito sa isang lamayan, kahapon ng madaling araw sa Brgy.Narragan.

Ang nasawi dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Freedie Javier. Habang sumuko ang suspek na si Alex Arellano,43.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen, alas-2:30 ng madaling araw ay magkasamang nag-iinuman sa lamayan ang biktima at suspek.

Sa sobrang kalasingan ng dalawa ay muling naungkat ang dati nilang alitan na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa magsuntukan.

Sa gitna ng suntukan ay dinampot ng suspek ang kutsilyo na ginagamit nila sa panghiwa ng pulutang karne ng baboy at walang habas na pinagsasaksak ang biktima. Nadala pa sa ospital ang biktima,subalit hindi na ito umabot ng buhay.

vuukle comment

NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with