^

Probinsiya

Kuya kinatay ni bunso sa bisperas ng Pasko

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines — Imbes na Christmas gift, tadtad ng saksak ang ibinigay ng isang lasing na mister sa kanyang kuya matapos ang kanilang pag-aaway sa mismong bisperas ng Pasko sa Zone 3, Sitio Ibok-Ibok, Brgy. Calaocan, dito, noong bisperas ng Pasko.

Kinilala ni P/Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng pulisya rito, ang biktima na si Wendil Babante, 36, may live-in partner, isang truck drayber ng rice mill at miyembro ng bantay-bayan ng kanilang barangay.

Nasawi ang biktima sa mga saksak ng patalim sa kanyang dibdib, kili-kili at tiyan sa ospital.

Nakonsensya naman at sumuko sa pulisya ang suspek na si Melvin Babante, 34, may live-in partner at kapitbahay ng kanyang pinatay na kuya.

Ayon sa pulisya, alas-7 ng gabi, kadarating lang ng lasing na suspek sa kanilang compound nang ma­abutan niya roon ang umiinom na kuya. Dahil sa kalasingan­ at makulit na ay pi­nag­sabihan ng kuya ang suspek na umuwi na sa kanyang bahay at magpahinga.

Imbes na makinig, minasama umano ng nakababatang Babante ang sinabi ng kuya kaya nagbunsod ng kanilang mainitang pagtatalo.Biglang kumuha ng patalim ang suspek at pinagsasaksak na ang kapatid.

Agad tumakas ang suspek gamit ang isang motorsiklo pero sumuko kalaunan.

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with