^

Probinsiya

Obrero todas sa duwelo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Patay ang isang obrero habang malubhang nasugatan ang kanyang kaduwelo kamakalawa ng madaling araw sa Purok Maligaya, Barangay Ibabang Iyam.

Sa ulat ni PLt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito, nakilala ang namatay na si Michael Torres, 19, samantalang ginagamot naman sa Quezon Medical Center ( QMC ) si Raniel Ambal, 25, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon, magkasabay umanong naglalakad sina Torres at Ambal patungo sa tindahan matapos na makipag-inuman. Maya-maya ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na humantong sa suntukan at duwelo ng patalim.

Pinagsasaksak ni Ambal si Torres sa iba’t ibang parte ng katawan na bagama’t sugatan ay nakaganti naman ng saksak sa leeg ng una.

Nakatakbo pa si Torres subalit dahil sa rami ng dugong nawala bunga ng mga saksak ay sumubsob ito sa putikan dakong ala-1:15 ng madaling araw at tuluyang namatay.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with