Angeles drug ops: 7 huli sa P2.1 milyong shabu
ANGELES CITY, Philippines — Naaresto ng pulisya ang apat na high value individuals (HVI) at tatlo pang drug suspects sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Brgy. Lourdes North West, at Brgy. Balibago, dito nitong Biyernes ng hapon.
Sa ulat mula sa tanggapan ni P/Col Rommel Batangan, officer-in-charge ng lungsod, kinilala ang mga suspek na sina Jose Roy Estanilla alias “Roy”, taga-Brgy. Pulung Maragul; Christian Rex Manlupig ng Hadrian Extension 2, Brgy. Balibago; Apple Arida ng Sitio Pader, Brgy. Pulung Maragul, at isang menor-de-edad na kinilalang alias “Kuto” ng Copenhagen St., Brgy Pulung Maragul; Lanilou Esguerra, 38, ng City Center, Brgy. Pandan; Mark Gerald Toledano, 26, City Center, Phase 4, Brgy. Pandan, at William Cortez, 39, ng District 3, Epza Resettlement, Brgy.Pulung Cacutud; pawang sa lungsod.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa humigit kumulang sa 312 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P2,121,000. 600, at buy-bust money na ginamit sa operasyon.
- Latest