^

Probinsiya

Mister niratrat ng 2 naka-face mask

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO, Nueva Ecija , Philippines — Nasawi ang isang 59-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaking naka-face mask at lulan ng motorsiklo habang kahuntahan ang mga kapwa magsasaka sa isang taniman ng palay sa Sitio Mantama, Barangay Sto. Cristo ng bayang ito, kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Efren Nicolas, 59, may-asawa ng Barangay Sto. Cristo, na namatay doon din matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek na sakay ng kulay sky blue na motorsiklong Mio Soul.

Bandang alas-12 ng tanghali, nasa farm land ng isang kaibigan si Nicolas at nakikipag-usap sa mga kapwa magsasaka nito habang nagtatanim ng palay nang biglang dumating ang dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng face mask.

Nagulantang na lang umano sila nang maglabas ng baril ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima na hindi nagtagal ay binawian ng buhay.

vuukle comment

RYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with