^

Probinsiya

Lider ng gun-for-hire todas sa shootout

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan , Philippines — Napatay ng Bulacan-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang lider umano ng kilabot na gun-for-hire group matapos ang buy-bust operation na nauwi sa engkuwentro sa Concordia Subdivision, Brgy. Dulong Bayan, dito, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director ang napatay na suspek na si Rizaldy Gutirrez, 45, ng Brgy. Dulong Bayan, SJDM City.

Sa imbestigasyon, ala-1:00 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust laban sa suspek at nagpanggap na buyer ng baril ang isang pulis-CIDG.

Natunugan umano ng suspek na pulis ang katransaksyon sa bentahan ng ilegal na baril kung kaya mabilis na tumakbo papasok ng kanyang bahay at pinagbabaril ang mga pulis sanhi ng palitan ng putok na ikinasawi ng una.

Narekober sa lugar ang isang cal .45 pistol, isang cal .38 revolver at P3,500 na buy bust money.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with