^

Probinsiya

2 dedo, 8 sugatan sa road mishap

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Dalawa ang nasawi at walo ang nasugatan sa magkahiwalay aksidente sa lalawigan ng Quezon kamakalawa.

Ayon kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) director P/Col. Audie Madrideo, patay agad ang rider na si Melanie Villaflor, 32, dalaga ng Brgy. Malinao Ilaya, Atimonan, Quezon makaraang magulu­ngan ng Tanker Trailer truck ni Roy Aceras, 45, ng Pili, Camarines Sur alas-4:05 ng hapon sa Maharlika Highway, Brgy. Sta.Catalina, Atimonan. Nasugatan ang dalawang backriders ni Villaflor na sina Jacquelyn Argulla, 18, at isang 16-anyos na babae na kapwa ginagamot sa ospital.

Dead-on-arrival naman sa Candelaria District Hospital dahil sa pagkabasag ng bungo si John Paul Guno, 21, binata ng Brgy. Sampaloc 2, Sariaya, Quezon makaraang banggain ang minamaneho nitong To­yota Wigo ng kasalubong na Toyota Hi-Ace van sa Maharlika Highway sa Brgy. Sto. Cristo, Sariaya dakong alas-10:50 ng gabi.

Ginagamot naman sa nasabi ring ospital ang driver ng van na si Alvin Regalario, 35, ng Sto.Tomas, Batangas at limang sakay na nasugatan na sina Michael Uy, at magkakaanak na sina Eva Paynante, 43; Michelle, 25, Madelyn, 18 at Angelita Paynante Manalo, 75.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with