^

Probinsiya

Motor sumemplang: Backride todas

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang backrider matapos na bumagok ang ulo sa sementadong kalye nang sumemplang ang sinasakyang motor naganap kamakalawa ng gabi sa Eco-Tourism Road, Brgy, Isabang.

Ang nasawi ay kinilalang si Ariel Carandang, 38, may-asawa ng Barangay 1, samantalang nasugatan ang rider na si Michael Orticio, 36, sekyu.

Ayon sa ulat, alas-8:00 ng gabi ay patungo sa direksyon ng Diversion road ang mga biktima na parehong walang suot na helmet at pagsapit sa kurbada ay nawalan ng kontrol si Orticio at tuluyang nadulas at sumemplang.

Una ang ulo na bumagsak si Carandang habang nagtamo ng mga pasa at bahagyang sugat ang sekyu na nahaharap sa kasong Reckless imprudence Resulting in Homicide.

vuukle comment

AKSIDENTE

MOTORCYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with