^

Probinsiya

Tuguegarao nagluwag sa health protocols

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Para makapasok ang mga ayuda

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Inumpisahang luwagan ng lungsod na ito noong Martes ang mahigpit nilang health parameters sa mga papasok na dayo na magpapaabot ng relief goods, serbisyo, at iba pang tulong kasama ang media na sumusu­baybay sa kaganapan sa Cagayan makalipas ang pananalasa ng bagyong Ulysses.

Sa ipinasang Ordinance No. 76-08 ng City Council, isinantabi muna ang matrabahong pagsumite ng health clea­rance at pagsasailalim sa health triage para sa mga kuwalipakadong tao na papasok sa lungsod.

Sa kabila nito, sinabi ng Konseho na kaila­ngan pa rin nilang panatilihin ang kontrol sa mga papasok dahil ilan sa mga bisitang magpapaabot ng tulong ay mula sa mga COVID-19 hotspots gaya ng mga taga Media na karamihan ay nakabase sa Metro Manila.

Sa ilalim ng ordinansa, paunang online registration lamang ang hinihiling ng City IATF at pagsumite ng detalye ng kanilang mga pupuntahan at tutuluyang lugar sa Tuguegarao. Gayunman, kailangan pa ring iobserba ng mga bisita ang pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapairal ng physical distancing at pagbaon ng sariling alcohol at disinfectant.

Kabilang sa mga pumasok sa lungsod noong Martes ay ang sikat na Vlogger na si Ivana Alawi na nagsa­gawa ng humanitarian­ mission nang magpa­mudmod ng relief goods sa mga sinalanta ng bagyo.

vuukle comment

ULYSSES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with