^

Probinsiya

Obrero kinatay ng katoma

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

INFANTA, Quezon, Philippines — Nagkabutas-butas ang katawan at namatay noon din ang isang obrero matapos na pagsasaksakin ng nakaalitan sa inuman kamakalawa ng umaga sa Barangay Poblacion 1 ng bayang ito.

Kinilala ang biktima na si Mark Donald Sollano, 28, habang naaresto ang suspek na si Rodel Mendoza, 38, binata kapwa residente ng Purok Bantilan, Poblacion.

Sa ulat ng pulisya, hu­ling nakita ang dalawa na nakikipag-inuman sa kanilang mga kapitbahay nitong Linggo ng gabi subalit nang kapwa malasing ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Gayunman ay inawat sila at pinauwi sa kani-kanilang bahay.

Nagising na lamang ang magkakapitbahay dakong alas-8:00 ng umaga dahil sa nilikhang muling pag-aaway ng dalawa na humantong na sa suntukan.

Nang bumagsak ang biktima, doon na pinagsasaksak ng suspek su­balit nakatakbo at nadapa hanggang sa katayin na nang patalikod na kanyang ikinasawi.

vuukle comment

OBRERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with