^

Probinsiya

16 barangay sa Cagayan ‘di pa mapasok ng rescuers

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
16 barangay sa Cagayan �di pa mapasok ng rescuers
Nananatiling lubog sa tubig baha ang malaking bahagi ng Cagayan kung saan 22 barangay sa bayan ng Enrile ang “isolated” o hirap pa ring pasukin ng mga rescuers, kahapon.
Michael Varcas

Dahil sa matinding baha

MANILA, Philippines — Aminado ang mga tauhan ng rescue ­operations na hirap nilang mapasok ang nasa 16 sa 22 barangay sa Enrile, Cagayan ang isolated o mahirap mapuntahan dahil sa matinding pagbaha matapos manalasa ang bagyong Ulysses.

Sinabi ni Enrile Ma­yor Miguel Decena Jr., tanging ang mga dump trucks na may dalang relief goods lang ang nakatatawid papunta sa mga barangay.

Ayon kay Decena, dahil sa marami pang katao na ayaw magpa-evacuate, hinikayat na lamang nila ang mga residente na ipatupad ang “adopt a neighbor.”

Sa ilalim ng “adopt a neighbor”, pansamantalang kukupkupin ng mga residente na may dalawa o tatlong palapag na bahay ang kanilang mga kapitbahay na nalubog sa baha ang mga tahanan.

Umapela naman ang mga taga-Enrile ng pagkain, maiinom na tubig, at mga kahoy pangkumpuni ng kanilang mga bahay.

Lumubog ang mala­king bahagi ng Cagayan province mula noong Biyernes dahil sa tubig na nanggaling sa mga nakapaligid na lalawigan at pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam kasunod na rin ng walang puknat na pag-ulan at hangin sa pag­hagupit ng bagyong Ulysses sa Luzon.Sa kabila nito, unti-unti namang bu­mabangon ang ibang residente matapos humupa ang baha sa ibang barangay.

vuukle comment

BAHA

CAGAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with