^

Probinsiya

Bulacan tumanggap ng P175 milyong ayuda mula sa DA

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Bulacan tumanggap ng P175 milyong ayuda mula sa DA
Ito ay matapos personal na bisitahin ni Agriculture Sec. William Dar ang mga apektadong bukirin partikular na sa Pulilan-Baliwag Bypass Road kasama sina Bulacan Gov. Daniel Fernando, DA Asec. Noel Reyes, DA Regional Director Crispulo Bautista, RFO-III, Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo, Panlalawigang Agrikulturista Ma. Gloria Carrillo, mga agrikulturista ng mga bayan at pinuno ng mga magsasaka.
STAR/ File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Inihatid ni Agriculture Sec. William Dar ang sertipiko ng tulong pinansyal para sa binhi at pataba na nagkakaha­laga ng P175,923,000 sa lalawigan ng Bulacan sa isinagawang Rapid Da­mage Assessment on Agriculture and Fisheries na dulot ng bagyong Ulysses sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito.

Ito ay matapos personal na bisitahin ni Dar ang mga apektadong bukirin partikular na sa Pulilan-Baliwag Bypass Road kasama sina Bulacan Gov. Daniel Fernando, DA Asec. Noel Reyes, DA Regional Director Crispulo Bautista, RFO-III, Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo, Panlalawigang Agrikulturista Ma. Gloria  Carrillo, mga agrikulturista ng mga bayan at pinuno ng mga magsasaka.

“We are giving the province this assistance pero posible pa itong madagdagan depende sa magiging resulta ng assessment sa mga susunod na araw. Aside from this, may ayuda rin tayo, maagang Pamaskong handog na P5,000 cash sa lahat ng rice farmers na nagsasaka ng isang ektarya pababa, gayundin sa mga non-rice far­mers, ito ‘yung mga nagtatanim ng mais, niyog, tubo at mga mangingisda mula sa Bayanihan 2,” pahayag ni Dar.

Sinabi rin ng kalihim sa mga magsasaka na maaari pa rin silang mangutang ng halagang P25,000 na walang tubo at pwedeng bayarang sa loob ng 10 taon.

Mula sa inisyal na pagtataya, ibinahagi ni Fernando na sa kasalukuyan, bagaman at apektado ng bagyong Ulysses ang lahat ng bayan at lungsod sa lalawigan, ang mga bukirin sa una at ikalawang distrito ang pinakanasalanta.

Samantala, ibinalita ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Director Wilfredo Cruz, RO-III na sa Rehiyon III na tinatayang nasa 7,500 metric tons ng bangus na nagkakahalaga ng P600 milyon ang nasalanta habang halagang P100 milyong bangus fingerlings ang namatay dahil sa pananalasa ng bagyo.

vuukle comment

WILLIAM DAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with