^

Probinsiya

Ulysses nagdulot ng baha, pagguho sa Quezon province

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY,  Philippines — Nagdulot ng pagbaha, pagguho ng lupa, at kawalan ng kur­yente ang Bagyong Ulysses sa ilang lugar sa Quezon province.

Magdamag naranasan ang malakas na hangin at pag-ulan sa lalawigan, kung saan 3 beses nag-landfall ang Bagyong Ulysses kahapon ng madaling araw.

Nabatid na 39 bayan at 2 lungsod ng lalawigan ng Quezon ang pinadapa.

Unang binayo ng bagyong Ulysses ang islang bayan ng Patnanungan at isinunod ang Burdeus na kabilang sa Polilio Group of Islands (POGI) saka nanalasa sa bayan ng General Nakar na saklaw ng Hilagang bahagi ng lalawigan.

Bagama’t maagang nakapaghanda sa posibleng epekto ng bagyo ay lumu­bog sa tubig baha ang In­fanta, Quezon at nakaapekto sa mahigit 3,000 pamilya.

Tuluyan ng hindi nada­anan ng lahat ng uri ng behikulo ang Barangay Canda Ibaba sa Lopez, Quezon matapos na ito ay muling palubugin ng lampas taong lalim na tubig baha.

Maraming mga palayan din sa nasabing bayan ang nagmistula nang karagatan gayundin ang mga kalapit na bayan ng Gumaca, Calauag, Guinayangan at Tagkawayan at gumamit ng bangka ang mga residente upang lumikas patungo sa matataas at ligtas na lugar.

Pinalubog din ng tubig baha ang ilang bayan sa ikatlong distrito ng lalawigan at hindi madaanan ang Maharlika highway sa Mauban, Quezon dahil sa landslide.

vuukle comment

ULYSSES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with