^

Probinsiya

Trike driver binoga sa resto bar

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BULAN, Sorsogon, Philippines — Namatay noon din ang isang 33-anyos na tricycle driver matapos itong barilin sa ulo ng isang salarin habang nakikipag-inuman sa loob ng isang resto bar sa Sitio Pawa, Brgy. Lajong ng nasabing bayan at lalawigan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Jeric Gallanosa Gustillo, residente ng Brgy. San Vicente. Habang mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilang  suspek.

Sa ulat, alas-11:25 ng gabi ay masayang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang kaibigan na si Alfred Daro nang lumapit ang hindi nakilalang gunman at walang kaabog abog na binaril ito sa ulo.

Ayon kay Daro, pinaniniwalaan niyang posibleng kasamahan ang suspek ng anim na mga lalaki na nag-iinuman sa kabilang lamesa na pawang tumakas lulan ng dalawang sasakyan.

Nakuha ng mga respondeng pulis sa crime scene ang isang basyo ng Kalibre 9mm na baril.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with