^

Probinsiya

4 suspek sa pagpatay sa negosyante, huli

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang apat pang suspek na kasabwat umano sa pagpatay sa isang 30-anyos na sa Barangay Sangitan West, noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay P/Lt. Col. Barnard Dannie Dasugo, hepe ng Cabanatuan City Police, sa isinagawang follow-up operations noong araw ng Biyernes, naaresto ng pulisya sina Dencel Sta. Maria, 19, binata; Ryan de Jesus, 24, may-asawa; Aries Soriano, 18, binata; at Ryan Sison, 28, may-asawa, pawang taga-Cabanatuan City.

Ang apat na suspek ay inaresto ng Investigation Tracker Team at ng Patrolya ng Bayan members ng Cabana­tuan City Police matapos umanong inguso ng kanilang katropa na si Jhon Michael Magbanwa, 24, binata, matadero ng Purok Yakal 1, Barangay Bitas, na unang naaresto ng awtoridad ilang sandali matapos mapatay ang biktimang si Erwin Punzalan, 30, binata ng Brgy. Villa Ofelia, dito.

Lumalabas sa imbestigasyon na hindi napagtripan lang ang biktima na patayin kundi plinano ng mga suspek.

Nabatid na ang primary suspect na si Magbanwa at Punzalan ay kapwa umano dating inmates sa Cabanatuan City Jail noong 2018 at doon pa lang ay may alitan na umano ang dalawa at laging nagpapatutsadahan.

Nang makalaya si Punzalan, nagtayo ng negosyong One-Stop Vape Shop kung saan natunton siya ni Magbanwa at diumano ay nagbanta sa biktima na babalikan siya nito, hanggang sa mangyari na nga ang kanilang muling pagkikita noong Huwebes ng gabi. May kasama umanong 9 na lalaki si Magbanwa at pinagtulungan ang biktima habang nasa shop nito. Kinuha pa umano ni Magbanwa ang dala nitong tubong bakal na siya nitong ipinalo sa ulo ng biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

vuukle comment

NEGOSYANTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with