^

Probinsiya

Valley cops nagbigay ng 160 sakong bigas sa typhoon victims sa Bicol

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Nagpadala ng inisyal na 160 na sako ng bigas ang puwersa ng Police Regional Office 2 (PRO2) para sa mga biktima ng bagyong Rolly sa Bicol region.

Ayon kay P/Brig. Gen Crizaldo Nieves, police regional director ng Cagayan Valley, ang nasabing tulong ay mula sa mga kasapi ng PRO2 na bukas ang loob para tumulong sa mga kababayan na sinalanta ng bagyong Rolly.

Sinabi ni Nieves na patuloy ang pagtanggap ang PRO2 ng anumang donasyon mula sa iba pang mga pulis at mga indibiduwal na gustong makatulong sa mga biktima ng bagyo lalo na ang mga nawalan ng mahal sa buhay, nawasak ang kabuhayan at tirahan dahil sa lupit ng bagyo.

“Ito ay munting programa ng ating kapulisan para maipadama natin ang diwa ng “bayanihan” lalo na ngayon na panahon ng krisis,” pahayag ni Nieves.

Isinailalim naman ni Nieves sa “full alert status” ang PNP-Region 2 at inihanda ang mga bihasa sa search and rescue operation at relief operation para sa posibleng dagdag na puwersa ng National Capital Region Police Office na ipadadala para tumulong sa mga apektadong lugar sa Bicol.

Naka-alerto rin ang iba pang mga Valley cops para naman sa paparating na isa pang bagyo na si “Siony” na inaasahang tatama sa hilagang bahagi ng Cagayan Valley.

vuukle comment

PRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with