^

Probinsiya

Sunog sumiklab sa Bacoor: 2 sugatan higit 500 pamilya nawalan ng tirahan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Sunog sumiklab sa Bacoor: 2 sugatan higit 500 pamilya nawalan ng tirahan
Nagtulung-tulong at umakyat pa sa bubong ang mga bumbero dahil sa pagsisikap na maapula ang malaking sunog na umabot sa ika-4 na alarma at tu-mupok sa mga kabahayan ng nasa 500 pamilya sa Brgy. Sineguelasan habang nadamay pa ang kalapit na barangay sa Bacoor City kamakalawa ng gabi.
Miguel de Guzman

CAVITE, Philippines — Dalawa ang sugatan at nasa mahigit 500 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos na sumiklab ang malaking sunog sa dalawang barangay sa lungsod ng Bacoor ka­makalawa ng gabi.

Sa ulat na nakalap sa Bacoor City Fire Station, halos abo na ang lahat ng kabahayan sa dalawang lugar na sakop ng Barangay Alima at Barangay Sineguelasan sa nasabing lungsod.

Dakong alas-10:12 ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Brgy. Alima na mabilis na kumalat at gumapang ang apoy bunsod ng malakas na hangin dahil sa bagyong Rolly.

Dahil sa magkakadikit ang mga kabahayan na gawa sa mahihinang materyales, nadamay ang katabing barangay sa sunog.

Umabot ng ika-4 na alarma ang sunog na tumagal ng mahigit sa tatlong oras bago ito tuluyang naapula.

Bagama’t walang naiulat na namatay sa insidente, dalawang re­sidente ang nasugatan at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Iniimbestigahan pa ang pinagmulan at sanhi ng sunog at maging ang danyos nito.

Nasa mga evacuation centers na sa Bacoor Elementary School, Alima Elementary School, Jesus is Lord Church at Alima SHS ang mahigit libong indibiduwal na naapektuhan ng sunog.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with