^

Probinsiya

Oplan greyhound: 3 preso huli sa P2 milyong shabu

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

GUIGUINTO, Bulacan, Philippines — Tinatayang nasa P2-milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Guiguinto Municipal Jail Bureau, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP III) sa tatlong preso sa isinagawang operation greyhound sa loob mismo ng bilangguan sa Brgy. Poblacion, dito kamakalawa ng gabi

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director ang tatlong inmate na sina Julius Francisco alyas “Mayor”, John Reynaldo Palileo alyas “JR” at Khalman Llamosa alyas “Jokjok”.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang magsagawa ng Oplan Greyhound ang mga nasabing operatiba kasama si Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr. sa loob ng nasabing jail matapos na ibulgar ng isang alyas “Boy Hilot” na naaresto ng Bulakan Police sa isang drug bust operation nitong Oktubre 31, na isang alyas Mayor umano na naka-detine sa nasabing bilangguan ang nagsusuplay sa kanya ng mga ilegal na droga.

Nang maberipika ang impormasyon, agad na sinalakay ng mga otoridad ang kulungan at dito natiklo ang tatlong inmate.

Nakumpiska kay alyas Mayor ang 18 malalaking plastic sachet ng shabu habang dalawang malaking plastic sachet ng shabu naman ang nabawi sa dalawa pang kasama nito na sa kabuuan ay aabot sa 300 gramo.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with