^

Probinsiya

DOLE livelihood packages ipinamahagi sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Philippines — Natanggap na ng mga Bulakenyong benepisyaryo ang pitong livelihood packages mula sa Department of Labor and Employment (DOLE)-Bulacan.

Ipinamahagi ito ng ahensya sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga awarding ceremonies sa iba’t ibang lugar upang matiyak ang pagpapatupad ng mga minimum health protocols gaya ng physical distancing.

Sa ginanap na unang awarding ceremony sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos, may 185 na mga Bulakenyo ang unang nakatanggap ng livelihood packages.

Ayon kay May Lynn Gozun, provincial director ng DOLE-Bulacan, ang mga benepisyaryo ay sinanay ng Public Employment Service Office (PESO) ng Kapitolyo sa iba’t ibang kasanayan sa pagpapamasahe, pagwe-welding, pananahi, paggawa ng sabon, pagmamasa ng tinapay at pagproseso ng pagkain.

Sinundan ito ng 50 pang benepisyaryo kaya’t umabot sa 235. Pitong livelihood packages ang ipinagkaloob sa kanila na kinabibilangan ng 90 na Bread and Pastry Ovens, 50 Powder and Soap making kits, 35 na Food Processing kits, 25 na Sewing Kits kung saan kasama ang mismong makinang panahi, 20 Welding kits, limang Body Massage kits at mga raw materials para sa isang kooperatiba.

Aabot naman sa 275 na indibidwal ang tumanggap ng mga panindang groceries sa ginanap na awarding ceremony sa Hiyas ng Bulacan Convention Center. Sila ang magbubukas ng mga bagong sari-sari store sa kanilang mga lugar.

Ipinaliwanag ni Go­bernador Daniel Fernando na sinumang Bulakenyo na walang kabuhayan ay uubrang mapagkalooban nito basta’t sasailalim muna sa mga livelihood training na libreng isinasagawa ng PESO-Bulacan. Layunin nito na matiyak na hindi masasayang ang mga kagamitan na ipagkakaloob mula sa DOLE na nagkakahalaga ng P5 milyon.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with