^

Probinsiya

Pugot na ulo, tadtad ng sugat natagpuan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagulantang ang mga residente matapos na matagpuan ang isang pugot na ulo na tadtad ng mga sugat sa mukha na halos hindi makilala ang natagpuan sa bayba­ying dagat ng Brgy. Looc, Mandaue City nitong Sabado ng hapon.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO)-7,  dakong ala-1:30 ng hapon nang matagpuan ang pugot na ulo, may isang linggo matapos na makita namang lumulutang sa ilog ang walang ulo, kamay at mga hita ng isang hindi pa nakilalang babae sa Brgy. Talamban sa lungsod ng Cebu.

Isa sa mga residente na nakakita sa nasabing pugot na ulo ang nag-report ng insidente sa mga awtoridad. Napatakbo umano siya sa matin­ding pagkabigla at agad ipinamalita sa kanilang komunidad ang nakitang pugot na ulo.

Magugunita na noong nakalipas na Oktubre 24 ay natagpuan ang walang ulo, kamay at mga pang katawan ng isang babae sa Brgy. Talamban, Cebu City at sumunod naman ay kamay at mga paa nito  sa baybayin din ng Brgy. Looc sa Mandaue City.

Patuloy naman ang pagsusuri ng mga forensic experts sa natagpuang pugot na ulo upang makilala ito.

vuukle comment

PRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with