^

Probinsiya

Isabela Police Office, naka-partial lockdown

Raymond Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  — Isinailalim sa lockdown ang isang gusali sa Camp Rosauro Toda sa Ilagan City, Isabela matapos magpositibo sa COVID-19 ang tatlong pulis at isang kawani roon kahapon.

Kaya’t nag-voluntary self isolation ang ilang mga opisyal, tauhan at kawani ng Isabela Police Office matapos sumailalim sa swab test.

Ayon kay Isabela Police Director Colonel James Cip­riano, nahawaan ng isang pulis ang dalawa nitong kabaro at isang non uniformed personnel na nakasalamuha naman sa kapwa nito kawani at kapulisan sa loob ng kampo.

Pansamantalang isinasagawa ang mga transaksiyon sa Provincial Police Office sa isang gusali malapit sa gate ng kampo kung saan ay ipinapatupad ang mahigpit na panuntunan sa social distancing at pagsusuot ng face shield at face mask.

Ayon kay Cipriano ang carrier na pulis ay nahawa sa kanyang misis na isang opisyal sa munisipyo ng Enrile, Cagayan na kasalukuyang nasa ilalim ng mahigpit na quarantine measures matapos magpositibo ang 20 na kawani at opisyal ng munisipyo at 18 pulis doon.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with