^

Probinsiya

Ilagan City, Isabela isinailalim sa ECQ

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Ilagan City, Isabela isinailalim sa ECQ
Dahil sa pagkabigo na masawata ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 mula sa ipinatupad na dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) na nagtapos kahapon, isinailalim na kagabi sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Ilagan City sa Isabela.
STAR/ File

Matapos mabigo sa MECQ

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines  —  Dahil sa pagkabigo na masawata ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 mula sa ipinatupad na dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) na nagtapos kahapon, isinailalim na kagabi sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Ilagan City sa Isabela.

Ito ay matapos na sang-ayunan ng Regional Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease ang endorsement ni Isabela Governor Rodolfo Albano III na pinakamataas na yugto ng lockdown sa Ilagan City.

Ayon kay Ilagan City Mayor Jose Marie Diaz, ang ECQ ay epektibo alas-8:00 kagabi (Biyernes) na magtatapos hanggang Oktubre 30.

Ilan sa mga ipapatupad na panuntunan sa ECQ ay ang liquor ban at  pamamasada ng pampublikong sasakyan upang maibsan ang pag­liliwaliw ng mga tao.

Mula Oktubre 1-16, nakapagtala ang lungsod ng 245 na bagong COVID-19 cases na mas malala sa 270 na naitala sa loob ng dalawang buwan sa Solano, Nueva Viscaya na matinding tinamaan ng community transmission noong Agos­to at Setyembre.

Dahil sa lawak ng hawaan, naglabas din ng Executive Order si Mayor Diaz na idinedeklarang “Day of Prayer” ang Oktubre 18 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Ilagaueño na magnilay  at ipanalangin ang kanilang kaligtasan sa pandemya.

Matatandaan na inilagay sa MECQ ang Ilagan City mula Oktubre 6-16 matapos na halos kalahati ng 91 na barangay dito ang apektado sa matinding hawaan.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with