^

Probinsiya

Rider todas sa ambush

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Rider todas sa ambush
Agad nasawi dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Renante Masong Pantaleon, may asawa at residente ng Brgy. Cabungahan.
STAR/File

Legazpi City, Albay, Philippines — Bulagta sa gitna ng kalsada ang isang 38-anyos na rider matapos pagba­barilin ng tatlong suspek habang binabagtas lulan ng kanyang motorsiklo ang kahabaan ng highway ng Purok-1, Brgy. Villahermosa, Cawayan, Masbate kamakalawa ng hapon.

Agad nasawi dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Renante Masong Pantaleon, may asawa at residente ng Brgy. Cabungahan.

Sa ulat, dakong alas-3:50 ng hapon pauwi na ang biktima mula sa Brgy. Divisoria lulan ng kanyang motorsiklo. Gayunman, pagdating sa nasabing barangay ay biglang sumulpot sa tabi ng kalsada ang tatlong suspek at agad na pi­nagbabaril ang biktima na duguang humandusay sa kalsada.

Nakita pang naglakad lang papatakas ang mga suspek patungo sa direk­syon ng Brgy. Puro sa bayan ng Placer.

Nakuha sa crime scene ang limang basyo ng bala ng kalibre 45 at limang basyo ng bala ng kalibre 9mm na baril.

vuukle comment

AMBUSH

MOTORSIKLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with