^

Probinsiya

Lover ni misis, kinatay ni mister

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Lover ni misis, kinatay ni mister
Ayon sa ulat ng Tulunan Police, nangyari ang krimen matapos na madiskubre ng mismong suspek na si Gatcher Pacheco na nagsasama na pala sa iisang bubong sa nabanggit na lugar ang kanyang misis na si Rebeca Pacheco, 32-anyos at si Edgardo Soperioridad, 38-anyos na taga-Brgy. New Culasi sa nasabing bayan.
STAR/ File

Bangkay itinapon sa balon

NORTH COTABATO, Philippines —  Kamatayan ang sinapit ng sinasabing “kalaguyo” habang sugatan ang isang misis matapos silang pagsasaksakin ng nanibughong mister na may kasama pang alalay sa Barangay Tambac, Tulunan, North Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Tulunan Police, nangyari ang krimen matapos na madiskubre ng mismong suspek na si Gatcher Pacheco na nagsasama na pala sa iisang bubong sa nabanggit na lugar ang kanyang misis na si Rebeca Pacheco, 32-anyos at si Edgardo Soperioridad, 38-anyos na taga-Brgy. New Culasi sa nasabing bayan.

Alas-10:30 ng gabi nang tumungo ang mister kasama ang dalawa pang katao sa kubong tinitirhan ng dalawa at dito niya pinagtataga ang misis at lover nito.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan si Soperioridad dahilan ng kanyang agarang kamatayan at itinapon pa ng mga suspek ang bangkay nito sa isang malalim na balon. Masuwerte namang nakaligtas si Rebeca matapos masaksak ng asawa sa kanang binti at kaliwang kamay.

Agad na tumakas ang mister at mga kasama matapos ang nasabing krimen na ngayon ay tinutugis na ng mga pulis.

Matinding selos ang tinitingnang anggulo ng mga pulis sa tinaguriang “crime of passion”. 

vuukle comment

BANGKAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with