^

Probinsiya

20 pasyente at bantay tinamaan ng COVID-19

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
20 pasyente at bantay tinamaan ng COVID-19
Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, director ng nasabing­ ospital na agad ipina­tupad ang lockdown sa kanilang OB Ward matapos na magpo­si­tibo sa virus ang mga pasyente at kanilang mga bantay.
Michael Vargas

Dahil sa pagsisiksikan sa OB ward ng ospital

MALOLOS CITY, Bulacan — Kinum­pirma kahapon ng isang opis­yal ng Bulacan Me­dical Center na nasa 20 pasyente na karamihan ay buntis at kanilang mga bantay sa OB Ward ng na­sabing ospital ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, director ng nasabing­ ospital na agad ipina­tupad ang lockdown sa kanilang OB Ward matapos na magpo­si­tibo sa virus ang mga pasyente at kanilang mga bantay.

Idinetalye ni Dr. Celis na isinasailalim­ talaga sa swab testing­ ang mga buntis at “high risk” patients upang maiwasan ang pagkalat ng COVID- 19, pero sa kasama­ang palad apat pa sa kanila ang nahawa sa virus noong Set­yembre 11.

“Immediately nag-stop na ang admission­ noon, ni-lockdown na ang OB at NICU, we observed 352 indivi­duals. Ito ay mga pas­yente, babies, ka­sama ang mga bantay at pina-swab then inili­pat ang iba sa BICC, ‘yung iba dinala sa mga treatment facility ng kani-kanilang LGUs. Lahat ng nag-negative, nai-coordinate na rin sa mga LGUs para iku-quarantine, pwedeng sa facility o sa bahay, ang maha­laga, monitored,” pahayag ng direktor.

Ipinaliwanag din ni Celis na dahil sa rami ng pasyente, ma­laki ang tiyansa na magka­hawahan.

“The ideal capacity­ of the OB including­ the gyne, and isolation is 82 only, but we have 180 mothers there, ima­gine 3-4 patients sharing in one bed,” ani Celis.

Pinabulaanan din ni Celis ang mga ale­gas­yon ng ilang netizens na pinapa­litan ang re­sulta ng test upang magpositibo sa virus ang mga pasyente para makakuha ng ayuda mula sa PhilHealth.

Sa pinakahuling­ tala, pumalo na sa 4,389 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bulacan, 2,618 dito ang gumaling na habang 90 ang namatay.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with