^

Probinsiya

Jeep may kargang hollow blocks bumaliktad: 1 utas, 2 pa sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Na­sawi ang isang 27-an­yos na obrero habang­ malubhang na­su­ga­tan ang dalawa pang tao nang tumaob ang sinasakyan nilang jeep­­ney na may kargang hollow blocks sa Brgy. Rosario, Sigay, Ilocos Sur kama­­kalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Benil Oppin habang nagpapagaling sa Ilocos Sur District Hospital sina Robert Dingoasan, 56 at drayber na si Jessie Bayaten, 43.

Ayon sa report, nabitin ang sasakyan sa paakyat na bahagi ng kalsada dahil sa bigat ng sakay nitong mga hollow blocks dakong alas-12:20 ng tanghali. Dito, nawalan ng kontrol si Bayaten sa jeepney na mabilis umatras saka buma­liktad.

Sa kasawiang pa­lad­­, nabagsakan si Oppin ng mga kargang­ hollow blocks na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

vuukle comment

NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with