2 kawani ng DENR tiklo sa pangongotong
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Bumagsak sa kamay ng otoridad ang dalawang kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isinagawang entrapment sa Cabagan, Isabela, kamakalawa.
Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Foresters Antonio Aggabao Jr. at Diosdado Medrano.
Sa ulat,kapwa dinakma ang dalawa habang tinatanggap ang P3,000 sa complainant na nag-aplay ng travel permit sa ibibiyahe niyang 800 board feet na soft wood na itinumba sa kanyang lupain sa kalapit bayan ng Tumauini.
Ayon sa pamunuan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO); nagkakahalaga lamang ng P115 ang permit na ipinagkakaloob nila sa pagbiyahe ng softwood gaya ng Gmelina species.
Nabatid sa NBI na matagal nang ginagawa ng dalawang inireklamong kawani ang modus, subalit ngayon lamang sila nagkaroon ng pagkakataong matimbog ang mga ito.
- Latest