^

Probinsiya

Ex-OFW huli sa P748K shabu

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Isang dating overseas Filipino worker (OFW) ang dinakip matapos na makumpiskahan ng nasa P748,000 na halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Mojon, dito kamakalawa.

Kinilala ni P/Lt.Col. Jaqueline Pyapy, hepe ng Malolos City police ang naarestong suspek na si Maritess Montallana, 46-anyos, may-asawa, tubong Olangapo at kasalukuyang naninirahan sa nasabing barangay.

Ayon kay Col. Puapo, matagal na umano nilang minamanmanan ang ginang dahil sa kahina-hinala nitong kilos at madalas na may mga parokyano sa inuupahan niyang apartment na ginawa niya umanong drug den.

Kaagad na naglatag ng buy-bust operation ang mga otoridad dakong alas-3:20 ng madaling araw at doon nakumpiska ang may 110 gramo ng metampethamine Hydrochloride o Shabu sa loob ng bahay ng suspek.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with