^

Probinsiya

Kagawad bulagta sa sariling shotgun

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 66-anyos na brgy. kagawad makaraang aksidenteng pumutok ang shotgun na kanyang nililinis sa Brgy. San Lorenzo, Kitaotao, Bukidnon nitong Biyernes ng tanghali.

Sa ulat ni Bukidnon Provincial Police Office (PPO) director Col. Roel Lami-ing, kinilala ang biktima na si Agaton dela Cruz Jr., ng Purok 5, Brgy. San Lorenzo ng bayang ito, na nagtamo ng isang tama ng bala sa baba na naglagos sa kanyang ulo na siya nitong dagliang ikinamatay.

Lumalabas na alas–11 ng tanghali nang magtungo ang kagawad sa kanilang bukirin kasama ang anak na si Arnold.

Sa testimonya ni Arnold, 20 metro ang layo niya sa kanyang ama na nasa loob ng kanilang kubo nang biglang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril. Nang kanyang tingnan, dito na bumulaga ang amang duguan at dead-on-the spot sa insidente.

Sa kalituhan, sinabi ng anak na naitapon niya sa palaisdaan ang nasabing baril.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulis­ya kung may “foul play” sa insidente.

vuukle comment

PPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with