^

Probinsiya

Southbound lane ng Cavitex isasara ng 3-buwan dahil sa konstruksyon ng LRT-1 extension

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Southbound lane ng Cavitex isasara ng 3-buwan dahil sa konstruksyon ng LRT-1 extension
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), magtatagal ng tatlong buwan o hanggang Disyembre 15 ang naturang pagsasara para sa pipe relocation works ng Maynilad sa 11.7-kilometrong LRT-1 Cavite Extension project.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ipinaalam sa publiko na tatlong buwang sarado, simula sa Setyembre 15, ang southbound lane ng Cavitex malapit sa Parañaque City bridge, upang bigyang-­daan ang kons­truk­syon ng Cavite Ex­ten­sion Project ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC),  magtatagal ng tatlong buwan o hanggang Disyembre 15 ang naturang pagsasara para sa pipe relocation works ng Maynilad sa 11.7-kilometrong LRT-1 Cavite Extension project.

Sinabi ng LRMC, batid nila na magdu­dulot ng abala sa pub­liko ang proyekto kaya’t kaagad na humingi ng paumahin.

Tiniyak naman ni LRMC Cavite Extension Management Team (CEMT) Project Exe­cution Manager Reynaldo Pangilinan na sa sandaling matapos na ang proyekto ay magiging mas mabilis na ang kanilang biyahe sa pagitan ng Bacla­ran sa Parañaque City at Bacoor sa Cavite.

Ayon sa operator, nasa 40% na ng mga aspeto ng proyekto ang naabot simula nang umpisahan ang civil works noong Setyembre 2019. Sinisimulan na rin naman umano ang construction works sa iba pang area at mga istasyon ng proyekto.

vuukle comment

LRT 1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with