^

Probinsiya

Rider, angkas dedo sa road mishap

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Rider, angkas dedo sa road mishap
Kinilala ang mga nasawi na sina Jonathan Garania, 23, tubong Lallo, Cagayan at pansamantalang naninirahan sa Brgy. San Fermin, Cauayan City at Raymond Ramones ng Brgy. Maligaya sa nasabing lungsod.
PSN/File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Patay ang dalawang lalaki matapos na sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Cauayan City ng lalawigang ito, kamakalawa ng  hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jonathan Garania, 23, tubong Lallo, Cagayan at pansamantalang naninirahan sa Brgy. San Fermin, Cauayan City at Raymond Ramones ng Brgy. Maligaya sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng Cauayan City Police, angkas ni Garania si Ramones sa itim na Honda Wave (B102HP) at binabagtas nila ang kahabaan ng kalsada sa Purok 1, Brgy. Marabulig Uno nang bigla silang sumemplang pagsapit sa sa pakurbadang bahagi nito nang sumalpok sila sa gutter ng daan dakong alas-5:00 ng hapon.

Tumilapon ang dalawang biktima at parehong tumama sa isang punongkahoy. Mabilis silang isinugod sa painakamalapit na pagamutan subalit kapwa idineklarang dead-on-arrival dahil sa matinding pinsalang tinamo sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

vuukle comment

PATAY

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with