^

Probinsiya

Trike vs ambulansya: Driver durog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang mister matapos na matumbok ng barangay ambulance habang nagmamaneho ng tricycle kamakalawa ng gabi sa Brgy Kaybagal South, Tagaytay City.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si Freddie Anacay, 36, may asawa, driver ng tricycle at residente ng JP Rizal St, Brgy. Kaybagal South, Tagaytay City habang ginagamot sa ospital ang driver ng ambulance na si Laureano Bayor Jr., 49, ng Kaybagal South, Tagaytay City.

Sa ulat, alas-11:30 ng gabi habang sakay ang biktima ng kanyang Kawasaki motorcyle (4039DZ) at bumabagtas sa nasabing highway nang mahagip ito ng rumaragasang ambulansya na minamaneho ni Bayor.

Dahil sa may kabilisan ang patakbo ng ambulansiya, wasak ang tricycle ng biktima na ikinaipit pa nito.

Kapwa itinakbo sa Ospital ng Tagaytay ang biktima at driver ng ambulansya, subalit hindi na naisalba pa ang buhay ng una.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with