^

Probinsiya

Bully todas sa napikon na kalugar

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bully todas sa napikon na kalugar
Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan matapos magtamo ng ilang tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jeffrey Albis habang kusang loob na sumuko sa awtoridad ang suspek na si Florence Escobar, kapwa nasa hustong gulang at residente ng nasabing lunsod.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang lalaking “bully” matapos na pagbabarilin ng kanyang kalugar na napikon sa kanya kasama ang mga kaibigan nito kamakalawa ng hapon sa Brgy. Cabuco, Trece Martirez City.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan matapos magtamo ng ilang tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jeffrey Albis habang kusang loob na sumuko sa awtoridad ang suspek na si Florence Escobar, kapwa nasa hustong gulang at residente ng nasabing lunsod.

Sa ulat ni P/SSg. Rene Bibon, alas-5:45 ng hapon habang magkasama ang biktima, suspek at iba pang kapitbahay at nagkukuwentuhan sa kanilang labasan nang pagtulungan umanong i-bully ng biktima at iba pang kasama ang suspek. Hindi na umano kumikibo ang suspek subalit patuloy pa rin ang pang-aasar sa kanya ng biktima na kanyang ikinapikon.

Umuwi sa kanilang bahay ang suspek at nang bumalik ay bitbit na nito ang maiksing baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Makalipas ang may mahigit sa 2 oras, sumuko ang suspek sa kanilang barangay at agad na dinala sa pulisya. Aniya, nagdilim ang kanyang paningin at sa sobrang pagkapahiya ay nagawa nito ang pagpatay.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with