^

Probinsiya

‘Bigtime sale’ dinumog, mall ipinasara

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
�Bigtime sale� dinumog, mall ipinasara
Ayon kay Atty. Jose Edgardo Uy, chairperson ng Regulatory Compliance Board (RCB), ipinasara ng pamahalaang lungsod ng Cagayan de Oro sa pamumuno ni Mayor Oscar Moreno at RCB ang Limketkai Mall na nagsagawa ng “bigtime sale” dahil sa paglabag sa physical distancing.
KJ Rosales/ File

MANILA, Philippines — Dahil sa paglabag sa quarantine protocol, isang mall na dinagsa ng mga tao sa Cagayan de Oro ang ipinasara kahapon.

Ayon kay Atty. Jose Edgardo Uy, chairperson ng Regulatory Compliance Board (RCB), ipinasara ng pamahalaang lungsod ng Cagayan de Oro sa pamumuno ni Mayor Oscar Moreno at RCB ang Limketkai Mall na nagsagawa ng “bigtime sale” dahil sa paglabag sa physical distancing.

Sinabi ni Uy na agad namang ipinatigil ng pamunuan ng nasabing mall ang kanilang sale.

“The store manager committed to cancel the sale until clear preventive protocols are put in place,” pahayag ni Uy.

Nabatid na dinumog ng mga tao ang nasabing mall nang malaman ang malakihang sale ng sapatos.

Dahil dito, hindi na nasunod ang social distancing na ipinatutupad sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) guidelines laban sa COVID-19.

Humingi naman ng dispensa ang pamunuan ng mall sa nangyari dahil hindi umano nila inasahan ang pagbuhos ng mga kustomer sa kanilang clearance sale at hindi naipatupad ang social distancing.

Iginiit ni Mayor Moreno na naiintindihan niya ang nangyari sa sale pero dapat ay hindi kalimutan ang mga safety protocols.

vuukle comment

MALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with