^

Probinsiya

Top NPA commander utas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Top NPA commander utas sa encounter
Sa pinagsamang ulat ng 2nd Infantry Division (ID) ng Philippine Army at Laguna Police, kinilala ang napatay na opisyal ng NPA na si Mario Caraig alyas “Ka Jethro”, kalihim ng Southern Tagalog Regional Party Committee, Sub-Regional Military Area (SRMA) 4th Command sa Batangas at Cavite area.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang commander ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na may patung-patong na kaso matapos makaengkuwentro ng militar sa liblib na lugar sa Brgy. San Antonio, Kalayaan, Laguna nitong Sabado ng madaling araw.

Sa pinagsamang ulat ng 2nd Infantry Division (ID) ng Philippine Army at Laguna Police, kinilala ang napatay na opisyal ng NPA na si Mario Caraig alyas “Ka Jethro”, kalihim ng Southern Tagalog Regional Party Committee, Sub-Regional Military Area (SRMA) 4th Command sa Batangas at Cavite area.

Si Ka Jethro ay aktibo rin umano sa pangre-recruit ng mga katutubo partikular na ang mga Dumagat-Remontados para sumapi sa kanilang armadong kilusan.

Sa report ni Brig. Gen. Alex Rillera, commander ng 202th-IB , alas-11:10 ng gabi nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa presensya  ni Ka Jethro sa lugar

Agad na nakipagkoordinasyon ang 1st Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Lt. Col. Jesus Diocton sa Laguna Provincial Police Office (PPO) at Kalayaan Municipal Police Station (MPS) upang iberipika ang report.

Bandang alas-12:10 ng madaling araw nang maispatan si Ka Jethro habang nakatayo sa gilid ng kalsada pero agad nitong sinalubong ng putok ang mga awtoridad sanhi ng engkuwentro. Nakumpiska dito ang isang cal. 45 pistol, dalawang hand grenade at mga subersibong dokumento.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with