^

Probinsiya

2 rider dedo sa salpukan ng motor

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 rider dedo sa salpukan ng motor
Dead-on-arrival sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga biktimang sina Prince Eric Fruelda, 24- anyos, ng Purok-6 at Mark Anthony Gabriel, 28-anyos, ng Purok-2, Brgy. Maguiron, Guinobatan.
File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kapwa nalasog ang katawan ng dalawang motorcycle rider matapos na magbanggaan sa gitna ng Maharlika National Highway sa Purok-4, Brgy. Cabangan, Camalig, lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga biktimang sina Prince Eric Fruelda, 24- anyos, ng Purok-6 at Mark Anthony Gabriel, 28-anyos, ng Purok-2, Brgy. Maguiron, Guinobatan.

Sa ulat, dakong alas-7:10 ng gabi magkasalubong na binabagtas ang highway ng Yamaha Mio na motorsiklo ni ­Fruelda, angkas ang isang Caradane Fruelda at Suzuki Raider (EC 22436) ni Gabriel ang highway nang magbanggaan sa gitna ng kalsada.

Sa lakas ng banggaan, parehong nawasak ang motorsiklo at duguang tumilapon ang mga biktima. Isinugod sila sa nasabing ospital pero kapwa idineklarang patay ang dalawa habang kritikal ang angkas na si Caradane Fruelda.

vuukle comment

AKSIDENTE

MOTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with