5-anyos hinalay, pinatay ng kapitbahay
NORTH COTABATO, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 5-anyos na batang babae matapos na gahasain ay pinatay pa ng 18-anyos na kapitbahay lamang nila sa Purok 5, Brgy. Ngan, Compostela, Davao de Oro.
Kinilala ang biktima na si Sabela Jane Goc-Ong habang nadakip ng awtoridad ang suspek na nakilalang si Arman Payda na nakakulong na sa presinto.
Sa report ng Compostela Municipal Police Station (CMPS), madaling araw noong Hulyo 2 nang makatanggap ng report mula kay Barangay Ngan Kagawad Dante Castillo tungkol sa bangkay na natagpuan sa nasabing lugar.
Pagdating ng mga rumespondeng pulis sa lugar sa pangunguna ni P/Staff Sergeant Sheryl Adjilin ay naroon din ang suspek na si Payda na inamin ang ginawang krimen. Kuwento ng suspek, puwersahan nitong dinala ang biktima sa masukal na bahagi ng taniman ng niyog at doon na hinalay at saka pinatay.
Nabatid na Hulyo 1 nang ireport ng kanyang pamilya ang pagkawala ng biktima.
- Latest