^

Probinsiya

14 mangingisdang Pinoy hindi sinaklolohan - PCG

Danilo Garcia, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
14 mangingisdang Pinoy hindi sinaklolohan - PCG
Sinabi kahapon ni Philippine Coast Guard (PCG) Vice Admiral George Ursabia Jr., na isa ito sa tinitignan nila sa isinasagawang malalimang imbestigasyon kung may paglabag sa international maritime law ang mga tripulante ng MV Vienna Wood.
French Embassy Twitter

Matapos banggain ng HK cargo vessel

MANILA, Philippines  — Lumalabas na hindi umaksyon para matulungan ng mga tripulante ng Hong Kong vessel ang 14 na Pinoy na lulan ng FV Liverty 5 fishing boat matapos ang salpukan ng dalawang sasakyang pandagat sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro nitong Linggo ng umaga.

Sinabi kahapon ni Philippine Coast Guard (PCG) Vice Admiral George Ursabia Jr., na isa ito sa tinitignan nila sa isinasagawang malalimang imbestigasyon kung may paglabag sa international maritime law ang mga tripulante ng MV Vienna Wood.

“According to them, they stopped and remained in the area without deploying assistance to the fishing vessel.  They did not also leave the area as there are already some fishing vessels and they are very big they have to maneuver afar,” ayon kay Ursabia.

Nabatid rin na nakapagpadala lamang ng “distress signal” ang MV Vienna Wood sa PCG may tatlong oras matapos ang bungguan at sa pamamagitan pa ng electronic mail (e-mail).  Sa loob ng naturang mga oras, hindi kumilos ang barko para magsagawa ng rescue operation.

“Very crucial ang tatlong oras kung nakares­ponde sana.  Yung ­fishing vessel ay nakataob, theory ko tumaob na ‘yun at habang maaga pa it is not taking so much water, pwede pa sanang mapasok ang ibang spaces at makuha ang mga na-trap na crew na hinahanap ngayon,” dagdag ni Ursabia.

Ilan din sa inaalam sa imbestigasyon ay ang uri ng “navigational lights” ng barko, pagiging competent ng mga tauhan, at kung naka-autopilot ang barko.

Inisyal na nabatid na may “poor visibility”  nang maganap ang insidente dahil sa malakas na ulan habang ang third mate lamang ng MV Vienna Wood ang naka-duty.

Nagpapatuloy search and rescue ­operations ng PCG sa 14 nawawala hanggang ngayong Miyerkules.

Kaugnay nito, ­umalma si Senador Risa Hontiveros sa pahayag ng Malacañang na aksidente ang banggaan ng dalawang barko.

Ayon kay Hontiveros, dapat imbestigahan muna ito at huwag agad sabihing aksidente lamang. Aniya,  kampihan muna ang mga Pilipino at hanapin ang 14 nawawalang ma­ngingisda bago gumawa ng konklusyon ang gobyerno.

Paalala pa ni Hontiveros,  hindi ito ang ­unang beses sakaling ito ay “hit and run” tulad na lamang ng nangyari sa fishing boat na Gem-Ver 1 na lumubog din matapos banggain ng isang Chinese vessel noong nakaraang taon.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with