^

Probinsiya

‘Tulak’ todas sa Isabela buy-bust

Raymund ­Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  – Napatay ang isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga matapos umanong manlaban sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa kanyang teritoryo sa Brgy. Marabulig 1, Ca­uayan City, Isabela noong Lunes.

Sa report na nakara­ting kay Lt. Col. Gerald Gamoba, hepe ng Cauayan City Police Station, kinilala ang suspek na si Daniel Madronio, residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, natunugan umano ng suspek na pulis ang kanyang binentahan ng isang sachet ng shabu at nang aarestuhin ay kanyang binunot ang dalang cal. 38 revolver na paltik. Pinaputukan umano ng suspek ang buyer at mga operatiba na nagsilabasan kung kaya nauwi sa barilan dakong alas-11 ng gabi.

Bumulagta ang suspek at sinubukan pa siyang isugod ng mga mga emergency responders sa ospital subalit patay na ang suspek.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with