^

Probinsiya

Sumuko sa Tokhang tiklo sa P.2 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng isang surrenderee ng Oplan Tokhang ng PNP makaraang malambat sa anti-drug operation at makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000 kamakalawa ng gabi sa Tagarao St., Purok 1, Barangay 3, dito.

 Sa ulat na tinanggap ni Quezon Police director P/Col. Audie Madrideo mula kina P/Lt. Col. Gaylor Pagala, QP-Drug Enforcement Unit chief at P/Lt. Col. Romulo Albacea, Lucena Police chief, nakilala ang nadakip na si Arvin Menchero, 38, binata ng Cabana St., Brgy. 3 na sumuko sa Oplan Tokhang noong 2018.

Isinagawa ng QPDEU at CDEU sa pamumuno ni P/Maj.Reynaldo Dalumpienes ang buy-bust operation laban sa suspek habang nasa kasagsagan ang malakas na ulan dakong alas-9:30 ng gabi.

Nakuha buhat sa pag-iingat ng suspek ang 10 gramo ng hinihinalang shabu, isang P1,000 marked money at 14 piraso ng boodle money.

Hindi naman itinanggi ng suspek ang pagkakasangkot sa drug bust at sinabing namumursyentuhan lamang siya sa drogang iniabot ng courier na paslit mula sa Barangay Ibabang Dupay at ang shabu  ay nanggaling naman sa bahagi ng Muntinlupa.

vuukle comment

OPLAN TOKHANG

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with