^

Probinsiya

Pasugalan ni-raid: 5 SAP/4Ps beneficiaries, 3 pa huli

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Pasugalan ni-raid: 5 SAP/4Ps beneficiaries, 3 pa huli
Ayon kay Police Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City Police, apat sa mga naaresto ay nakatanggap ng cash aid ng SAP habang ang isa ay miyembro ng 4Ps.
STAR/File

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Arestado­ ang walo katao kabilang­ ang limang bene­pis­yaryo ng Social Amelioration­ Program (SAP) at Pan­ta­wid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) matapos maaktuhang nagsusugal ng “Pusoy” sa gitna ng pinaiiral na modified general commu­nity qua­rantine (MG­CQ) sa lalawigang ito na dulot ng COVID-19 pandemic sa ginawang pagsalakay ng pulisya sa sinasabing “gambling­ den” sa Brgy. Abar 2nd, dito sa lungsod na ito, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Police Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City Police, apat sa mga naaresto ay nakatanggap ng cash aid ng SAP habang ang isa ay miyembro ng 4Ps.

Kinilala ni Bruno ang mga naarestong sus­pek­ na SAP beneficiaries na sina Mark Lester An­thony Cle­mente, 26-an­yos; Joseph Gas­par­, 34, may-asawa; Liza Ombrobeno, 60, may-asawa; at Lolita Garcia, 68, may-asawa; 4Ps member na­mang si Edmon Bien­dima, 47, may-asawa; at iba pang kasamahan na sina William Lomboy, 30, binata; Jonathan Ara­­taquio, 18, binata; at Re­nalyn Pascua, 31, may-asawa; pawang mga residente ng Brgy. Abar 2nd, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, nakatanggap­ ng impormasyon ang pu­lisya na may nagaga­nap na sugalan sa nasa­bing lugar at nang kanila itong salakayin bandang­ ala-1 ng mada­ling-araw ay naaktuhan nila ang mga suspek na aba­lang naglalaro sa dalawang mesa ng “Pusoy” gamit ang cards at may perang taya.

Kinumpiska ng pulisya ang dalawang set ng mga baraha, 8 piraso ng upuan, 2 mesa at bet money na umaabot sa P1,957 sa iba’t ibang de­nominasyon. Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa P.D. 1602 at paglabag sa curfew dahil sa umiiral MGCQ sa lalawigan.

vuukle comment

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with