^

Probinsiya

Trak salpok sa poste at puno, driver patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAGKAWAYAN, Quezon, Philippines — Hindi na uma­bot pang buhay sa ospital ang isang driver makaraang bumangga ang kanyang minama­nehong truck na may karagang 800 sako ng si­buyas sa poste ng ilaw at puno sa gilid ng Quirino Highway, Barangay Sta. Cecilia ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng grabeng pin­sala sa ulo at katawan ay kinilalang si Armando Parcon, 54, may asawa at residente ng Negros Occidental.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, patungo sa Bicol Region ang biktima at minamaneho ang isang truck (RNE-526) na kargado ng daan-daang sako ng sibuyas.

Pagsapit umano sa kurbadang bahagi ng nasabing highway ay nawalan ng preno ang trak dakong ala-1:50 ng gabi kung kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima at binangga ang poste ng Quezelco gayundin ang isang puno ng acacia.

Mabilis na isinugod ng mga saksi ang tsuper sa pinakamalapit na ospital subalit nala­gutan din ng hininga.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with