^

Probinsiya

Empleyado kinatay ng 71-anyos na senglot, live-in partner sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

SOUTH COTABATO, Philippines - Patay ang isang binata habang sugatan ang live-in partner nito matapos silang pagsasaksakin ng nakainumang 71-anyos na lolo sa Brgy. Cannery Site, Polomolok, dito sa lalawigan.

Kinilala ni Major Alex Joe Orcajada ng Polomolok Police ang nasawing biktima na Joeven Versoza, 26-anyos, private employee.

Si Versoza ay dead-on-arrival sa ospital sanhi ng malubhang saksak sa kanyang dibidib habang ang live-in partner nitong si Mary Rose Gabronimo, 26, na nasaksak sa kaliwang kamay ay nasa ligtas nang kalagayan.

Naaresto naman sa follow-up operation ng Regional Mobile Force Batallion 12 at South Cotabato Police ang tumakas na suspek na si Benedicto Cabili. Narekober sa kanya ang kutsilyong ginamit sa krimen

Naganap ang krimen sa bahay mismo ng suspek sa Brgy. Cannery Site, Polomolok dakong alas-7:00 ng gabi. Sa kalasingan, nagtalo ang mga biktima at suspek na humantong sa pananaksak ng huli sa una.

vuukle comment

SENGLOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with