^

Probinsiya

Curfew ipinatupad na rin sa Legazpi

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Curfew ipinatupad na rin sa Legazpi
Ayon sa utos ng alkalde, ipinatupad ang curfew sa lahat, bata man o matanda na nagbabawal na lumabas pa ng mga bahay at magpakalat-kalat sa kalye simula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Edd Gumban

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Mahigpit na ipinatupad simula kagabi ang curfew sa lahat ng residente ng 70 na barangay, dito sa lungsod matapos na ipag-utos ni Mayor Noel Rosal ang pagbabawal sa lahat na lumabas ng kanilang bahay sa gabi bilang bahagi ng pag-iingat sa pagkalat ng 2019 coronavirus di­sease (COVID-19).

Ayon sa utos ng alkalde, ipinatupad ang curfew sa lahat, bata man o matanda na nagbabawal na lumabas pa ng mga bahay at magpakalat-kalat sa kalye simula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Inatasan ang mga barangay officials lalo na ang mga pulis na maglatag ng mga checkpoint at maglibot para manita ng mga taong nasa kalye sa mga oras na ipinatutupad ang curfew.

Nilinaw naman ni Rosal na hindi kasama sa curfew ang mga nagtatrabaho sa gabi lalo na ang mga call center agents, lehitimong kasapi ng media at ang mga lalabas na may emergency.

Hinikayat na rin ng alkalde ang lahat ng mga may-ari ng mall at night bars na magsara ng maaga.

Agad namang tumugon sa panawagan ang pinakamalaking mall sa lungsod na SM-City Legazpi.

Ayon kay Claire Hariri, PR manager, simula kahapon ay ipinatupad ang adjusted mall hours kung saan sa halip na alas-10 ng umaga ay alas-11 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes habang alas-10 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi ang ope­rasyon kapag Sabado at Linggo.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with