^

Probinsiya

Ex-congressman sabit sa shabu lab

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Ex-congressman sabit sa shabu lab
Sa pulong-balitaan na ipinatawag ni Col. Paul Abay, provincial director ng Catanduanes Provincial Police Office, sinabing sa tulong ng regional legal division ng Police Regional Office-5 (PRO-5) ay isinampa ang kaso laban kay Sarmiento noong nakaraang linggo sa tanggapan ng Department of Justice sa Maynila ng Virac Police sa pangu­nguna ng Acting Chief-of-Police na si Major Bon Billy Timuat.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Pormal nang isinampa ng Virac Police ang kasong  pag­labag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay dating Congressman Cesar Sarmiento ng Catanduanes matapos na akusahang protektor umano ng nadis­kubreng shabu laboratory na sinalakay ng mga pulis at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Disyembre 2016 sa Brgy. Palta Small sa bayan ng Virac.

Sa pulong-balitaan na ipinatawag ni Col. Paul Abay, provincial director ng Catanduanes Provincial Police Office, sinabing sa tulong ng regional legal division ng Police Regional Office-5 (PRO-5) ay isinampa ang kaso laban kay  Sarmiento noong nakaraang linggo sa tanggapan ng Department of Justice sa Maynila ng Virac Police sa pangu­nguna ng Acting Chief-of-Police na si Major Bon Billy Timuat.

Nag-ugat ang kaso matapos na idawit sa kanyang affidavit ng state witness na si Ernesto Tabor Jr., ang dating kongresista na naki­pagsabwatan umano kay Atty. Eric Isidoro, dating direktor ng National Bureau of Investigation-Anti Narcotics Division, na nauna nang sinampahan ng kaso dahil sa operas­yon ng shabu laboratory. Tumanggap umano ng aabot sa 20-milyong piso bilang protection money si Sarmiento.

Wala pang pahayag hinggil sa isinampang kaso ang dating kongresista.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with