^

Probinsiya

Sanggol kinain ng aso

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Nagkagutay-gutay ang katawan ng isang sanggol na pinaniniwalang bagong luwal nang makita ng mga residente ang labi nito sa likod ng health center na nasa damuhan ng Sentro ng Barangay Onica sa lungsod na ito, Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Kagawad Virgilio Dorado, isang residente ang nakakita matapos na pinagtatakhan nitong pabalik-balik ang mga aso sa lugar pasado alas-6:00 ng gabi.

Nang siyasatin, tumambad sa kanila ang bagong luwal na sanggol na nagkalasug lasog na ang katawan dahil sa kinain na ng mga aso.

Hindi na rin naisalba ang sanggol dahil patay na ng matagpuan.

Malaki ang paniniwala ng opisyal na nasa kanilang barangay lamang ang ina ng bata na nagtapon sa sanggol.

Posible umanong hindi matanggap ng ina ang sinapit nitong pagbubuntis.

Sa ngayon, magsasagawa sila ng pagsisiyasat at documentation sa lahat ng mga buntis sa kanilang barangay upang mabatid kung sino ang ina na suspek dito.

Kasong infanticide ang posibleng kakaharapin ng suspek. 

vuukle comment

ASO

SANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with