^

Probinsiya

Higit 350 baboy na may ASF, kinitil sa 4 na bayan sa Benguet

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Higit 350 baboy na may ASF, kinitil sa 4 na bayan sa Benguet
Tinukoy ni Provincial Veterinarian Miriam Tio­ngan ang mga bayang apektado na Atok, Itogon, Tuba at ang bayan ng La Trinidad na may pinaka­maraming naitala sa bilang na 263 na baboy.
AFP/File

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Mahigit sa 350 na baboy na positibo sa African Swine Fever (ASF) virus ang isinailalim sa pagpatay ng awtoridad sa apat na bayan sa Benguet kamakalawa. 

Tinukoy ni Provincial Veterinarian Miriam Tio­ngan ang mga bayang apektado na Atok, Itogon, Tuba at ang bayan ng La Trinidad na may pinaka­maraming naitala sa bilang na 263 na baboy.

Dahil sa patuloy na banta ng ASF, hinikayat ni Tiongan ang Office of the Civil Defense na gumawa ng hakbang upang mabigyan ng tulong ang mga apektadong hog growers dulot ng kala­midad ng sakit ng hayop.

Naunang nagdeklara na temporary lockdown sa lalawigan si Governor Melchor Diclas  noong Pebrero  5 na nagbabawal sa pagpasok ng mga baboy at karne nito mula sa iba pang lalawigan.

Ayon kay Diclas pangunahing sanhi ng pagkalat ng ASF ay ang kinagawian ng mga hog gro­wers na magpakain sa baboy ng mga tira at itinapon na pagkain mula sa mga restaurant at food establishments sa Baguio City.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with