^

Probinsiya

Birthday boy nalunod sa pool

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CATANAYAN, Quezon, Philippines — Trahedya sa halip na kasiyahan ang dinanas ng pamilya ng isang 6-anyos na batang lalaking nagdaraos ng kanyang kaa­rawan matapos na malunod sa swimming pool sa Brgy. Matandang Sabang Kanluran sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Idineklarang dead-on-arrival (DOA) sa Bondoc Peninsula District Hospital ang biktimang si Mico Dre Batario, ng Barangay 8 Poblacion, Catanayan.

Sa imbestigasyon, nagtungo ang pamilya ng biktima sa Marc and Marcys Resort upang doon idaos ang kaarawan nito.  Subalit dakong alas-10:00 ng umaga ay nagtungo sa swimming pool ang biktima at lumangoy. Gayunman,  napadako siya sa malalim na bahagi hanggang sa tuluyang lumubog. Nang makita naman ng mga kaanak ng biktima ang nangyari rito ay mabilis na isinugod sa ospital subalit nalagutan din ng hininga.

vuukle comment

NALUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with