^

Probinsiya

3 mag-aama na akusado sa masaker, napawalang-sala

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines  - Napawalang sala ng korte ang tatlong mag-aama na dawit sa pagkatay ng limang mi-yembro ng pamilya dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya matapos ang dalawang taong pagdinig sa Gonzaga, Cagayan noong Martes.

Sa hatol ni Aparri Branch 8 Judge Nicanor Pascual, pinawalang-sala si Samson Oandasan,66, at mga anak na si Sammy, 43, at Sam, 30, dahil sa naantalang ebidensya matapos buhatin at dalhin sa punerarya ng mga nagrespondeng pulis ang bangkay ng mga biktima bago dumating ang Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Matatandaan na na­tagpuang naliligo sa sariling dugo ang pinagtatagang mag asawang Dizon at Sany Oandasan, mga paslit na anak na sina Wilson, Karen at Dizon, Jr. at kaanak na si Juanito Soliva sa kanilang bahay noong Disyembre 2018. Nakaligtas naman ang bunso na si Denison na noo’y 3-anyos.

vuukle comment

NICANOR PASCUAL

SAMSON OANDASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with